Search This Blog

Friday, February 29, 2008

Apocalypto

Rating:★★★★
Category:Movies
Genre: Action & Adventure
Watched this film way back in December - as what the critics say, it's "an adrenaline-drenched chase movie" and "a visceral visual experience."

I can also relate it to the politically shaken administration of GMA. Her rule is oppressive, unjust and anti-poor and its doom is near. See quote below from the website - http://en.wikipedia.org/wiki/Apocalypto:

“The corrosive forces of corruption are illustrated in specific scenes throughout the movie. Excessive consumption can be seen in the extravagant lifestyle of the upper-class Maya, their vast wealth contrasted with the sickly, the extremely poor, and the enslaved. Environmental degradation is portrayed both in the exploitation of natural resources such as the over-mining and farming of the land, but also through the treatment of people, families and entire tribes as resources to be harvested and sold to slavery. Political corruption is seen in the leaders' manipulation, the human sacrifice on a large scale, and the mass slave trade. These themes are prevalent throughout the movie and often overlap and blend together, creating an overall sense of sadness, devastation and destruction.

The Ancient Greek verb αποκαλύπτω (apokalýptō) means "I uncover," "disclose," or "reveal." Gibson commented about the movie's title: "[It] just expresses so well what I want to convey. I think it's just a universal word. In order for something to begin, something has to end. All of those elements are involved. But it's not a big doomsday picture or anything like that."

Great film, Mel Gibson is very good. How I wish there's a Part II.

Thursday, February 28, 2008

Life for Rent by Dido

I haven't really ever found a place that I call home
I never stick around quite long enough to make it
I apologize that once again I'm not in love
But it's not as if I mind
that your heart ain't exactly breaking

It's just a thought, only a thought

But if my life is for rent and I don't lean to buy
Well I deserve nothing more than I get
Cos nothing I have is truly mine

I've always thought
that I would love to live by the sea
To travel the world alone
and live my life more simply
I have no idea what's happened to that dream
Cos there's really nothing left here to stop me

It's just a thought, only a thought

But if my life is for rent and I don't learn to buy
Well I deserve nothing more than I get
Cos nothing I have is truly mine

While my heart is a shield and I won't let it down
While I am so afraid to fail so I won't even try
Well how can I say I'm alive

If my life is for rent..

Walang halong spiritual mode ito ha, my life is for the masses.. Dapat!

Wednesday, February 27, 2008

Paraisong Banaue

Nitong nakaraang Pebrero 23-25, galing ako sa Banue bunsod ng petiburges na mga hangarin – ang magbakasyon, magrelax, makapunta sa ibang lugar at maglibang. Kasama ko sa paggagala na ito si Ate Joan (kaibigan ko sa UP) at si Zsaby – isang Hungarian na estudyante ng Computer Science, gitarista at manganganta.

Biglaan ang desisyong makapaggala, kahit sapat-sapat na lang ang pera ay nagtuloy pa rin ako sa paniniwalang hindi ko dapat palampasin ito dahil baka matagalan bago ulit dumating ang pagkakataon. Kaya lumarga na ng walang alinlangan, at punong puno ako ng excitement.

Walong oras ang biyahe, isang chipaz na Autobus ang nasakyan namin, sobrang punuan at walang CR sa loob pero ayus lang, wala na raw ibang bus na papunta ng Banaue bukod dun. Sa daan pa lang sa Ifugao papuntang Banaue, may nasulyapan na akong mga maliliit na hagdan-hagdang palayan. Nadisillusioned ako nang sabihin sakin ni Hans na hindi talaga kasama sa Eight Wonders of the World ang Banaue Rice Terraces kahit na marami ang naniniwala na ganun nga, ang alm ko lang kasama ito sa UNESCO World Heritage Site. Anupaman, malapit talaga sa langit ang lugar na ito.

Tumuloy kami agad sa Hiwang Native House Inn & Deckview. Kumpara sa mas mahal na hotel sa Poblacion, mas maganda ang view rito, at tunay na Ifugao House ang bahay na tinuluyan namin – mataas ang mga pundasyon, gawa sa kahoy at kugon. Nakakatuwang tingnan ang bilog na nakasakal sa pundasyon, proteksiyon daw ito sa daga – para di sila makaakyat. Naglakad kami ni Zsaby hanggang sa tuktok ng Inn, marami pa kasing Native House doon, pero bukod tangi ang aming bahay dahil dito raw tumuloy sina Judy Ann at Piolo nang i-shoot nila ang pelikulang Sagada. Tinanong ko pa talaga si Imbang (ang batang utusan sa Inn) kung totoo ito at hindi salestalk lang. Sabi niya totoo raw, pero pangit daw si Piolo, malaki daw ang panga.

Primitibo ang impresyon ko sa lugar, maraming estatwa ng Rice God nila, mga inukit na kahoy, hugis tao, at totoong kamangha-mangha ang hagdang palayan. Stairway to Heaven ito, ika nga. Ilang libong taon nang pasalin salin sa henerasyon at naroroon pa rin. Naisip ko, pwede pala talagang tibagin ng tao ang bundok, gaano man kalaki ito (Ang Hangal na Magsasaka).

Mga 11:00 ng umaga nang sunduin kami ng tour guide, kumain muna kame sa Mexicali (di ito franchise ng Mexicali ha), habang kwentuhan at kulitan. Hindi ko halos maialis ang mata ko pag nakatuon ito sa terraces, may animo’y hipnotismo itong taglay. Matapos kameng kumain ay namili ng mga pasalubong at matapos yun ay nagtrek na kami. Binagtas namin ang daan sa gilid ng mga palayan, itatanim pa lamang ang mga punla. Nasabi ni Renzon na minsan lang daw isang taon kung sila ay umani. Kapag wala sa palayan, sa PNB (Palaging Nasa bahay) sila, nagweweave at naguukit. Hindi raw pangkomersiyal ang ani, pansariling gamit ito, ibebenta lamang kung sobra para sa pamilya. Wala rin daw panginoong maylupa rito, bawat pamilya ay may kapirasong lupa. Pero napansin ko, may ilang sobrang magagandang bahay dito kumpara sa karamihan na malapit na sa itsurang iskwater ng Maynila. Mga 3 oras kami naglakad sa maputik, malamig at mataas na palayan. Matagal nakong di nakapag-hiking kaya mabilis akong napagod.

Matapos yun ay namalengke kame at umuwi na. nagluto kame sa kitchen gamit ang kahoy at bakal na kalan. Mahirap magparingas at mausok. Pero napakasarap ng hapunan namin, inihaw na tilapia at kung anung putahe ni Zsaby na patatas na may kamatis.

Tinanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang manirahan sa gantong lugar. Naalala ko na pangarap ko pala iyon dati, na may kubo lang sa bundok, solved na.

Tinanong ko si Zsaby kung paano niya nakikita ang Pilipinas – sagot ba naman niya ay “The Philippines is my Honey.”. Tinanong ko siya kung ‘backward’ ba ang tingin niya sa Pinas, sabi niya hindi. ‘Poor’ is a relative term daw. Ang mga tao raw sa Banaue ay mayaman sa kalikasan, sa tradisyon at kultura. Sa tingin ko naman, marami pa ring ipinagkakait sa kanila. Kagaya nang tanungin ko si Imbang kung gusto ba niyang mag-aral sa Maynila, sabi nya, sa Banaue na lang daw siya. Nasasabi niya iyon dahil wala siya o ang pamilya niyang akses na mapag-aral siya sa lunsod – hindi libre ang edukasyon sa bansang ito. Narinig ko rin kay Renzon na may tribal wars pa rin, pero sabi niya, sa Kalinga at Benguet na lang daw.

Nakalimutan ko na lang rin na itanong ang tungkol sa mga higanteng uod dala ng patabang ginagamit sa palayan. At may nakita pa akong nangengealam na kano, pinapagalitan ba naman ang isang PO worker dahil mas marami daw dapat trabahuin sa Manila kesa sa Banaue. Asar, hindi kasi intindi na ang mgsska ang primaryang pwersa ng re*.

Kinabukasan, maaga akong gumising. Mag-isa akong lumabas at minasdan ulit ang paligid, hindi ako makapaniwala na nandun ako, ayaw ko ng isipin ang pagbalik sa lungsod. Maghapon kaming nasa bahay lang buong Linggo dahil paulan-ulan. Para may magawa lang, sinamahan ko si Imbang na bumili ng mga gamit namin. Sa tindahan, maraming local na kalalakihan, binati nila ako – alam na hindi ako taga-doon.

Sumapit na ang hapon at pauwi na kame, pangarap kong bumalik ulit doon.

Sa Hiwang pa rin. Kina Ate Gloria. At Kuya Noel.

O kung hindi man, kahit saan, bawat sulok naman nito ay paraiso.

Wednesday, February 20, 2008

NGO Worker - Libre Lang Mangarap

Haaaaaaaay, second sa mundo ng *kt*b***o, ito ang gusto kong buhay:

Artikulo mula sa Peyups!

Sa halos isang taon kong pamamalagi sa organisasyong ito, hindi ko na mabilang ang dami ng lugar na aking napuntahan at dami ng tao na aking nakilala. Lahat ng mga ito ay itinuturing kong bahagi ng aking paglago bilang isang indibidwal. Mas maraming bagay na matutunan sa labas ng apat na dingding ng opisina. Noon pa man ay hindi ko nakita ang sarili ko na pumapasok sa isang opisina araw-araw, nakaupo maghapon at paulit-ulit ang ginagawa. Ganunpaman, may mga panahon na napapagod din ako sa mga biyahe at iniisip ko kung bakit ko pinili ang ganitong trabaho.

Masaya ako sa ginagawa ko. May kakaibang kaligayahang hatid ang pagseserbisyo sa kapwa. Higit pa sa hanapbuhay ang lugar ng aking trabaho sa aking buhay. Kahit na sumusweldo rin ako tulad ng ibang empleyado, alam kong bukod sa pagkita ng pera, may iba pa akong layunin kaya ko ginagawa ito. Malinaw sa akin ang mga ipinaglalaban ng organisasyong aking kinabibilangan at alam kong sa maliit kong paraan ay nakakatulong ako sa lipunan.

Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako. Hindi ko pa lubos na nararamdaman sa puso ko ang serbisyo. Bagaman natuwa ako dahil nakahanap ako ng gawain kung saan magagamit ko ang aking propesyon habang nagsisilbi sa kapwa, bahagi pa rin ng motibo ko sa pagpasok sa opisinang ito ay pansarili lamang. Ngunit nang tumagal ay nakita ko kung gaano kahalaga ang aking ginagawa at iilan lang sa aking propesyon ang papayag na gawin ito. Kaya sa kabila ng lahat, ito pa rin ang pinili ko.

Bakit? Simple lang. Maligaya ako.

Kahit na taliwas ito sa normal na daan na tinatahak ng aking mga ka-propesyon. Kahit na maraming bagay na hinihingi ang aking trabaho na hindi ko dating ginagawa. Kahit na kung minsan ay gusto kong languyin ang dagat para lang makauwi at makita ang mga mahal ko sa buhay.

Tuwing umaalis kasi ako, nalulungkot ako dahil iniiwan ko ang pamilya at mga kaibigan ko. Ngunit sa bawat lugar na pinupuntahan ko, nadadagdagan ang aking mga kaibigan at may mga taong itinuturing ko nang pamilya. Pero alam ko na anuman ang mangyari, uuwi at uuwi rin ako. Alam kong babalik at babalik ako sa totoo kong mundo.

Kung minsan iniisip ko, ano kaya kung iba ang pinili ko? Ngunit sa tuwing titingin ako sa mga mata ng mga taong tinutulungan ko, naiisip ko na walang ibang gagawa nito kundi ako. Dito nga siguro ang lugar ko sa mundo. Isa pa, hindi ko lang naman ito ginagawa para sa kanila, ginagawa ko ito para sa kaluwalhatian ng Panginoon. Tinawag niya ako at pinili para sa gawaing ito.

At sa ngayon ay tanggap ko na, ito ang misyon ko sa buhay, ang tumulong sa mga katutubong Pilipino para makamit nila ang kanilang karapatan sa mga lupa nila.

###############
Ang may-akda ay isang lisensyadong inhinyero na nagtatrabaho sa isang non-stock, non-profit, non-government organization na tumutulong sa mga indigenous peoples. Ito ang naging bunga matapos niyang mag-isip kung ito nga ba ang daang nais niyang tahakin.

Monday, February 18, 2008

Kwentong Kape

I just read an article from a peyups website - it's "Smell the Coffee and Wake Up". It's a good article, even made me look back to my own history and savour how I seem to appreciate coffee until now.

I remembered why coffee is associated with great minds, I have this one comrade who once remarked about another comrade taking coffee instead of milk during his early years. Why is that so? I didn't bother to ask that time. Pero nakakatawa sila, even smoking was then used by a comrade as a defense of his habit. Sabi niya, when you smoke, it slows down the functioning of the brain, so kapag nagbabasa ka while smoking, you can easily comprehend everything. And he really believed it! So much to say about the effects of smoking and too much coffee to our body, when your friends defend their vices, you can't defeat them, you might end up joining them.

And I did, of course it's not just about the coffee and smoking, but even the mindset, hopes and even dreams. You give up your old ways, fire up for new adventures, stretch yourself to the limit up to the point that you forget yourself just to give way for a 'larger than life' prophecy. Those romanticisms, selfless portrayals, all for the sake of the struggle.

There were countless days when I sleep with only coffee on my belly, and smoke to inhale, and I'm full. Coffee was my saviour when no one volunteered to feed me, when I hesitated to ask, when I need to stay awake for an ED, when we need to plan for an event, when we need to wake up early in the morning for an Operation P**ta. Coffee is a culture for us, a chance for us to meet together, a moment of friendship.

There were Kapihans at Teacher's Village, it was more of a poetry session, tibaks flock into the room. And they share letters, words, while we sip coffee and smell the air of reality in their poems.

And I offer Jeff some coffee, just to give him a chance to rest. It was more of a bribe, for he is my friend.

I missed those invitations - when they say "Tara, kape tayo. Kahit tig-sasampung piso lang basta may cream."; when there's something worth to argue about, they would say (esp Loulay), "Punta tayo sa Oz!" (with giggles). And we stay there until the sun goes down.

What's with a cup of coffee? I guess it's the experience that goes with it. The reminisces that you indulge yourself into once you're seated there with that cup and with that someone.

Wednesday, February 13, 2008

The Count of Monte Cristo

Rating:★★★★★
Category:Movies
Genre: Action & Adventure
I first watched this film in UP Film Institute for only 40 pesos. And after watching it, I can only describe it in one word - AMAZING. Compared it with The Red Violin but this one exudes more justice and grandeur. This is an ultimate tale of revenge, a story that transcends generations and time frames.

Based on a classic novel by Alexander Dumas, too bad I can't find time to read the book but viewing the movie is itself already a dramatic experience. It was just so powerful (of course setting aside the title of the film - in Jesus' name), hehehe, I was so overwhelmed with too much emotions during and after watching this film. Imagine all the treachery, lies, dark desires, adventure, love and triumph mixed powerfully in this film, with great actors and 'exquisite' characters, historical french base, political struggle and a lot more.

Though, despite all the drama, the director was able to give it a touch of humor - I love the Count's 'kanang kamay' who dedicated his life in serving Edmund.

A must see film, a total entertainment. Don't miss this!