Search This Blog

Wednesday, February 27, 2008

Paraisong Banaue

Nitong nakaraang Pebrero 23-25, galing ako sa Banue bunsod ng petiburges na mga hangarin – ang magbakasyon, magrelax, makapunta sa ibang lugar at maglibang. Kasama ko sa paggagala na ito si Ate Joan (kaibigan ko sa UP) at si Zsaby – isang Hungarian na estudyante ng Computer Science, gitarista at manganganta.

Biglaan ang desisyong makapaggala, kahit sapat-sapat na lang ang pera ay nagtuloy pa rin ako sa paniniwalang hindi ko dapat palampasin ito dahil baka matagalan bago ulit dumating ang pagkakataon. Kaya lumarga na ng walang alinlangan, at punong puno ako ng excitement.

Walong oras ang biyahe, isang chipaz na Autobus ang nasakyan namin, sobrang punuan at walang CR sa loob pero ayus lang, wala na raw ibang bus na papunta ng Banaue bukod dun. Sa daan pa lang sa Ifugao papuntang Banaue, may nasulyapan na akong mga maliliit na hagdan-hagdang palayan. Nadisillusioned ako nang sabihin sakin ni Hans na hindi talaga kasama sa Eight Wonders of the World ang Banaue Rice Terraces kahit na marami ang naniniwala na ganun nga, ang alm ko lang kasama ito sa UNESCO World Heritage Site. Anupaman, malapit talaga sa langit ang lugar na ito.

Tumuloy kami agad sa Hiwang Native House Inn & Deckview. Kumpara sa mas mahal na hotel sa Poblacion, mas maganda ang view rito, at tunay na Ifugao House ang bahay na tinuluyan namin – mataas ang mga pundasyon, gawa sa kahoy at kugon. Nakakatuwang tingnan ang bilog na nakasakal sa pundasyon, proteksiyon daw ito sa daga – para di sila makaakyat. Naglakad kami ni Zsaby hanggang sa tuktok ng Inn, marami pa kasing Native House doon, pero bukod tangi ang aming bahay dahil dito raw tumuloy sina Judy Ann at Piolo nang i-shoot nila ang pelikulang Sagada. Tinanong ko pa talaga si Imbang (ang batang utusan sa Inn) kung totoo ito at hindi salestalk lang. Sabi niya totoo raw, pero pangit daw si Piolo, malaki daw ang panga.

Primitibo ang impresyon ko sa lugar, maraming estatwa ng Rice God nila, mga inukit na kahoy, hugis tao, at totoong kamangha-mangha ang hagdang palayan. Stairway to Heaven ito, ika nga. Ilang libong taon nang pasalin salin sa henerasyon at naroroon pa rin. Naisip ko, pwede pala talagang tibagin ng tao ang bundok, gaano man kalaki ito (Ang Hangal na Magsasaka).

Mga 11:00 ng umaga nang sunduin kami ng tour guide, kumain muna kame sa Mexicali (di ito franchise ng Mexicali ha), habang kwentuhan at kulitan. Hindi ko halos maialis ang mata ko pag nakatuon ito sa terraces, may animo’y hipnotismo itong taglay. Matapos kameng kumain ay namili ng mga pasalubong at matapos yun ay nagtrek na kami. Binagtas namin ang daan sa gilid ng mga palayan, itatanim pa lamang ang mga punla. Nasabi ni Renzon na minsan lang daw isang taon kung sila ay umani. Kapag wala sa palayan, sa PNB (Palaging Nasa bahay) sila, nagweweave at naguukit. Hindi raw pangkomersiyal ang ani, pansariling gamit ito, ibebenta lamang kung sobra para sa pamilya. Wala rin daw panginoong maylupa rito, bawat pamilya ay may kapirasong lupa. Pero napansin ko, may ilang sobrang magagandang bahay dito kumpara sa karamihan na malapit na sa itsurang iskwater ng Maynila. Mga 3 oras kami naglakad sa maputik, malamig at mataas na palayan. Matagal nakong di nakapag-hiking kaya mabilis akong napagod.

Matapos yun ay namalengke kame at umuwi na. nagluto kame sa kitchen gamit ang kahoy at bakal na kalan. Mahirap magparingas at mausok. Pero napakasarap ng hapunan namin, inihaw na tilapia at kung anung putahe ni Zsaby na patatas na may kamatis.

Tinanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang manirahan sa gantong lugar. Naalala ko na pangarap ko pala iyon dati, na may kubo lang sa bundok, solved na.

Tinanong ko si Zsaby kung paano niya nakikita ang Pilipinas – sagot ba naman niya ay “The Philippines is my Honey.”. Tinanong ko siya kung ‘backward’ ba ang tingin niya sa Pinas, sabi niya hindi. ‘Poor’ is a relative term daw. Ang mga tao raw sa Banaue ay mayaman sa kalikasan, sa tradisyon at kultura. Sa tingin ko naman, marami pa ring ipinagkakait sa kanila. Kagaya nang tanungin ko si Imbang kung gusto ba niyang mag-aral sa Maynila, sabi nya, sa Banaue na lang daw siya. Nasasabi niya iyon dahil wala siya o ang pamilya niyang akses na mapag-aral siya sa lunsod – hindi libre ang edukasyon sa bansang ito. Narinig ko rin kay Renzon na may tribal wars pa rin, pero sabi niya, sa Kalinga at Benguet na lang daw.

Nakalimutan ko na lang rin na itanong ang tungkol sa mga higanteng uod dala ng patabang ginagamit sa palayan. At may nakita pa akong nangengealam na kano, pinapagalitan ba naman ang isang PO worker dahil mas marami daw dapat trabahuin sa Manila kesa sa Banaue. Asar, hindi kasi intindi na ang mgsska ang primaryang pwersa ng re*.

Kinabukasan, maaga akong gumising. Mag-isa akong lumabas at minasdan ulit ang paligid, hindi ako makapaniwala na nandun ako, ayaw ko ng isipin ang pagbalik sa lungsod. Maghapon kaming nasa bahay lang buong Linggo dahil paulan-ulan. Para may magawa lang, sinamahan ko si Imbang na bumili ng mga gamit namin. Sa tindahan, maraming local na kalalakihan, binati nila ako – alam na hindi ako taga-doon.

Sumapit na ang hapon at pauwi na kame, pangarap kong bumalik ulit doon.

Sa Hiwang pa rin. Kina Ate Gloria. At Kuya Noel.

O kung hindi man, kahit saan, bawat sulok naman nito ay paraiso.

3 comments:

  1. yung florida bus may byahe din pa-banaue. kulay pink yung bus tas may cr sa loob. yung victory, every weekend may byahe din sila papunta dito. pero sobrang haggard.

    hindi nga 8th wonder of the world yung rice terraces. pero nagkalat sa mga souvenir shops yung mga kung anu-ano na may nakasulat na " banaue rice terraces, the 8th wonder of the world". nanganganib na rin na matanggal sa unesco list ang hagdang hagdang palayan. napapabayaan na daw kasi. nagagalit sila sa mga may ari ng lupa kasi kino-convert na daw na gulayan. yung iba, di na lang talaga tinaniman at yung may ari ay nagpunta na lang sa baguio o maynila para magtrabaho. kaya nga tinawon yung tawag sa variety ng rice na tinatanim nila. ibig sabihin annually. pero anong mangyayari kung maganda nga yung palayan, may nakatanim na native rice, masarap piktyuran, pero gutom naman yung may-ari?

    nakikidaan lang. hehe

    ReplyDelete
  2. Hello there. Here are some resources regarding the 7 wonders. In one list it includes the Banaue Rice Tarraces in the "Forgotten Wonders." Enjoy. =) http://en.wikipedia.org/wiki/Seven_Wonders_of_the_World
    http://wonderclub.com/AllWorldWonders.html

    ReplyDelete
  3. Banaue is a great place. napapabayaan lang yun kasi ung mga may-ari nag aabroad na pra magtrabaho, yung iba nghahanap ng ibang work.. hindi kasalanan ng mga taga Banaue kung bakit nawala na sila sa 8th wonders. they care for the terraces but there's nothing they can do.. they needed money to feed there families. it';s a lot of hard work to maintain the terraces,, they needed somebody's help...tama ang sinabi ni gerilyero, imagine ung mga tourist na pumupunta dun -- they mock and blame Banaue residents pag pangit ang view pero pag maganda they appreciate it.. hanggang dun lang sila mocking and blaming.... Banaue might be forgotten but it will never fade and I am proud to be from Banaue...

    ReplyDelete