Search This Blog

Showing posts with label kontradisyon. Show all posts
Showing posts with label kontradisyon. Show all posts

Friday, March 14, 2008

The Gypsy Queen

"The Left did not create the troubles of the world, the troubles of the world creates the Left!"

Dati, may propesor kame sa UP na sabi, kapag Marksista ka, dapat intelektwal ka. Sa dinami-dami ng argumento na pinagdidskusyonan sa unibersidad, kanya kanyang opinion, iba't ibang teorya, anu pa rin ba ang dominanteng kaisipan?

Nitong nakaraang Miyerkules, biglang pumunta sa bahay ang isang kasama, may business kase kame.. Kumustahan, kwentuhan, chikahan ng mga nagaganap at ang ikinagulat ko, ang "Balbalan". Hindi literal ang ibig sabihin ng term, ginagamit namin ito as tagalog for "Intellectual Masturbation". Wish ko lang walang mahalayan.

Do we have the right to say something with regards to the state of the Movement when we're not there to participate? - tanong namin sa sarili namin. Then this Gypsy Queen said - kung sinasabi ng propesor mo na dapat intelektwal ka para may 'say' ka sa mga bagay, di ako naniniwala jan. Sa karanasan ko sa Movement, masasabi kong ito ang pinaka-HUMBLE na org, willing to listen kahit pa sangkatutak na lait ang ibigay mo. Dahil doon nila ibabase ang analysis. Well, hardcore kase si Gypsy Queen. At tama naman siya.

Bakit, may krisis ba? Krisis ng bansa, obvious ba? Tinanong lang ako kamakailan ng Boss ko kung sasama ba ako sa rali, at may sinabi rin siya tungkol sa paglaki ng middle class -  na base sa study ng isang Govt Agency. Hay, di nako updated. Pero lumalaki nga ang service sector ng Pinas. Hindi ko matanggap na sinabi ni Gypsy Queen na isa na pala akong Worker. Mula sa pagiging peti-b. Pero sandali, hindi naman ako CSR ah, Accounts Receivables Staff ako. Anu bang klaseng kontradiksiyon ito? Pati iba't ibang uri may iba't ibang kontradiksyon di ba? At sa dinami dami ng mga tanong namin, hindi namin matanggap, totoong nakakatigang ng utak pag wala sa Loob.

We can't have everything in this world. You are not what you are. The choices you will make will not end as is..

Pero natapos ang usapan na hindi resolbado ang mga usapin. Balik sa realidad. May anak siya. Mag-aaral pako. At magpapatuloy ang kontradiksyon.

Kinagabihan, napabalita - may natagpuang dalawang bangkay ng babae.